Monday, 13 August 2018

PAGSULAT


Atin munang lakbayin, ano nga ba ang pagsulat?


Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.  Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo. 



No comments:

Post a Comment