AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang pagsulat ay alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa kumbensyonal, permanente, at nakikitang simbolo. Isa sa mga uri ng pagsulat ay ang Akademikong Pagsulat. Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na na-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsyon para sa mga akademiko at propesyonal. Ito ay isang pangangailangan. Intelektuwal na pagsulat, ito ay uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip, mapanuring pag-iisip at may kakayahang mangalap, mag-organisa ng mga datos o impormasyon. Ilan sa mga halimbawa ng Akademikong Teksto ay ang Abstrak, Bionote, Panukulang Proyekto, Talumpati, Sintesis, Repleksib Sanaysay at iba pa. Gumagamit ito ng hulwaran upang maging organisado at malinaw ang daloy ng mga ideya sa akademikong susulatin.
No comments:
Post a Comment